Friday, October 22

Try doing two things at once: sing while playing a harmonica.


[00:30] He: Don't you hate or anything like that? Don't you get heartaches and stuff? 
[00:37] She: If you like someone, you just like him. Why does it have to be like that?
[00:56] He: If you turn on the light just once, I’ll make things brighter for you, over and over again. Will you take a chance just once?

This video was an ending to KBS2's Drama Special "The Great Gye Choon Bin" -- a one-hour offer of heart-warming, light drama with a Gatsby spin-off for a title but no similarities in theme whatsoever. And yeah, I'm a Korean drama and movies fan (add a few eye-candy for actors to that) -- but that's as far as it goes, my addiction.

Anyway, I loved this drama for its eccentric theme of unadulterated, unrequited admiration which gets its reward for its honesty right at the very end when the love interest gets bumped in the head and realizes what he's been missing all along. Haha, chick-flick-sucker! Also, it was a learning experience for the main character and me? -- that being involved in an eros makes her feel contradicting emotions. Try it, love someone, and you might as well be hating him at the same time. According to the script, it may be hard doing two things simultaneously, but it's quite doable. My title begs to differ, though.

Well, that's the gist of what at least happened in this very light but interesting drama -- when compared to other or usual dramas I saw.

To be sure, it's guaranteed with a bunch of eccentric people as well [this time, I mean the eccentric part]. You want a detailed recap with an in-depth analysis? Here.

Among other things, what I really loved was this French music [I think] featured in the ending -- which I couldn't find in any drama-addiction site I could get my hands on, unlike Coffee Prince and other popular dramas whose soundtracks were well-listed and linked for [free!] download. So, this is a notice to those who might know something:

Please lang, sabihin n'yo na sa akin ang title nito! 
[Do me a favor and tell me the title of this song, please.]


'Di ako marunong mag-French e.

 

Saturday, October 16

Tanaga #3: Hindi Mapamagatan







Nais kong magunita
Kahapong mayro'ng sumpa
Na 'di ka mawawala
Ngunit naglahong bigla.


Aawit na lang ako
Kasabay nitong radyo
Malungkot man ang tono
Matatapos din ito.




Thursday, October 7

Telepono

A conversation, where M is the male character and F is the female character. This is a boy-meets-girl thingy.



M: Yes, hello?

F: Uh, hello? Pwede bang ipamukha mo na sa akin na 'di mo ako gusto?

M: Excuse me?

F: Please? Sige na, para makalaya na ako sa kahibangan ko sa 'yo. Kasi at least kapag sinabi mo na talaga ng deretsahan na hindi mo ako gusto, masaktan man ako e matatanggap ko rin 'yon; kaysa magmukha akong tanga kakaisip na may pag-asa nga tayo. Oo na, assuming na kung assuming, pero kasi sa sobrang kras ko sa 'yo, lahat na lang nabigyan ko ng kahulugan. Sabi pa nga ng pinsan ko, dictionary na daw ako. Pero alam ko naman na ganu'n ka talaga sa kahit na sino: sa manong na magtataho, sa lola sa kalsada, sa batang kalye, sa ale sa talipapa. Alam kong sadyang mabait ka lang. At utu-uto lang talaga ako. Pero hindi naman ganu'n katanga para hindi ako mapraning na magkaiba ang "gusto" at "wala lang".

M: Uhm, wait. Baka hindi mo lang alam ang sinasabi mo. Paano kung may gusto talaga ako sa'yo?

F: Huwat!? 'Wag mo na nga akong paikutin, kasi ang tagal ko ng umiikot sa 'yo. Gusto ko na ring ibaling ang damdamin ko sa iba kasi sayang naman ako kung mapupunta lang ako sa wala. Ang talino pa naman ng genes ko.

M: Alam ko namang matalino ka. Kaya nga nahihiya ako sa 'yong dumiskarte kasi baka barahin mo lang ako. Pasensiya na pero ma-ego lang ako that way. You know, I'm still a guy. And I didn't mean to lead you on, because I really did mean those things I shared with you. Of course, I was testing the waters at first, but I later realized you are the one I was looking for. You are not like any girl I've known before. Balahura ka man, at least you're you. You aren't afraid to be yourself.

F: (sumisinghot na sa sobrang emotion) Letse ka! Ang duwag mo lang kasi. Kung sinabi mo sa akin 'yan before, e di sana hindi na ako nagdadrama ngayon. Asan ka ba? Magkita tayo.

M: Nasa school ako, pauwi na rin. Pero sige, dadaan na lang ako sa bahay ninyo.

F: Ano'ng school?

M: Sa pinagtuturuan ko, ano ka ba? Just wait. I'll be there in thirty minutes.

F: Teka, teka. Hindi ka naman teacher a.

M: Ha? Ano bang pinagsasasabi mo?

F: Lintek! Kaka-resign mo lang sa trabaho e. Bentong, 'wag mo nga akong pinaglololoko. Kahapon tambay ka.

M: Anong Bentong? Miss, sino ka ba? Si Miko ako.

F: Mi - Miko?

Telepono: Blag!

The end.

Monday, October 4

This is a true story.


Sa fx (bakit ba fx pa rin ang tawag sa pampasaherong sasakyan na ito gayong hindi naman ito gawa ng Toyota?) pauwi ng boarding house, may nakasabay akong dalawang babae. Nagkukuwentuhan silang parang limang freshmen students na nasa dyipni lang -- maingay at walang pakialam kung mai-broadcast na sa lahat ang personal life. Ito lang ang gist ng natandaan ko sa usapan nila.

Ate I: Ano ba'ng birthday mo? At saka birthdate? (Uh, ano'ng kaibahan?)
Ate II: (sinabi ang kaarawan pero inaudible)
Ate I: Ah, 6 at 1. Ia-add mo lang 'yung numbers sa birthday. 'Yung 6 ang strong number mo. 'Yung 1 naman ang weakness mo.
Ate II: Ok. Pero sabi ang soulmate ko daw ay Pisces.
Ate I: Sino nagsabi?
Ate II: Sa numerology, nabasa ko. (Ang paniniwala ko lang kapag masmagaling maglaro ng numbers, masmayaman.)
Ate I: Ah, baka. Pwede rin nating gamitin 'yung sa bilang ng pangalan mo.
Ate II: Talaga? Paano?
Ate I: Ano bang whole name mo? Maria Teresa... kaso nasa office 'yung listahan ko e.
Ate II: Ay, ganu'n. Sayang.
Ate I: Di bale, dadalhin ko sa birthday ni kwan.
Ate II: Okay, sige.
Ate I: Hindi ka pa ba talaga nagka-boypren?
Ate II: (sa mahinang boses) Hindi e.
Ate I: Ayos lang 'yan, 'no! 'Yung iba nga singkwenta na nag-aasawa pa. At saka nasa palad mo naman na mag-aasawa ka. Hintayin mo lang. May kakilala nga ako thirty-five na, wala pa ring asawa, pero nagpunta sa ibang bansa, nakapag-asawa pa ng 'Kano. 'Wag ka lang mag-alala. Pero may kakilala din ako na walang marriage line. Pero ikaw, meron naman e.
Ate II: Hindi naman ako masyadong nag-aalala. E ano naman kung wala.
Ate I: Sabagay.
Ate II: Haha, it's their LOST!

Hanep maka-comment ang mga Ate. Sana makahanap na sila the soonest para matigil na ang kanilang kahibangan. Pagkatapos kong matawa, marami pa silang napagkuwentuhan na hindi ko na rin matiis pakinggan. Hindi naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan... kanta ng Itchyworms sa tenga ko. Humahalo ang usapan nilang magkaibigan sa tugtog sa headset ko at sa ingay sa labas. Maya-maya pa, ang kanta ay: Happy Birthday! Sina Jugs pa rin. At ang saya-saya. Parang ganu'n ang magiging tema ng mga Ate pag hindi nangyari ang hula nila -- nireregaluhan at kinakantahan ng hapibetrdey ang mga sarili. Kaya please lang, pakihanap na lang sila kung interesado kayo. Baka sa SM North sila lagi tumtambay.


Friday, October 1

Ikot






Sa school. Noong unang panahon. Nag-abang ako ng jeepney. Huminto si Manong Drayber. Sumakay ako.

May isang matandang bida. Galing daw siyang probinsya (nalimutan ko na kung saan). Unang salta daw niya sa Maynila. May pupuntahang kamag-anak. Madami siyang dalang kahon at bayong. Pero masayahin si Lola. Kakuwentuhan niya ang mga katabi, kahit siya lang ang nagsasalita buong biyahe at tumatango lang ang mga katabing estudyante. At kahit nasa dulo siya ng sasakyan, sa may puwitan ng jeep, nagkasundo sila ni Manong Drayber na ihinto siya sa destinasyon niya, somewhere in Balara.

Habang papahinto ang dyip sa isang waiting shed at magsasakay ng isa pang pasahero, pinatabi ni Manong Drayber ang mga nakasakay, "Kongitng usog lang po, pampituhan 'yan." Nagsigalaw-galaw naman kaming mga nakasakay na. Kaso hindi pa rin magkakasya ang sasakay. Naiinip na si Manong, tumingin ng masama sa  mga pasahero, naggitgitan pa ng kaunti, at isiniksik ni Ineng ang kanyang pang-upo sa pagitan pa ng ibang puwit. Ayun, sardinas -- a typical dyipni scene. 

Hindi napigilan ni Lola na magbitiw ng komento.

Pampituhan daw, e baka naman para sa pitong payat lang 'yung bilang niya. Paano na kung matataba ang pasahero?

Tinginan kaming mga pasahero.

Honga naman, Manong. Ano ba'ng basehan ninyo nung pitong pasahero? Okay sana ang sinabi ni Lola kung hindi lang may mga kasakay din kaming hindi kapayatan. Tsk tsk, si Lola, may pagka-taklesa. Baka hindi mo matagalan ang Maynila niyan. O ikaw ang hindi mapagtyagaan ng Maynila?