Friday, October 1

Halikan[a] sa dagat...


Ang lakas lang kasi ng trip ko minsan. Nagpunta ako sa Baler (20-min. ride mula sa amin) minsan, at ako ay mag-isa (as usual) dahil walang
 makaladkad maaya.

Sa daan, nakita kong napakaliwanag ng kalangitan; maaliwalas ang panahon at walang nagbabantang ulan. Pero gaano man kaganda ang mga nadaanan ko, hindi iyon nakuhanan ng kamera ko ng maayos dahil sa 1) moving vehicle, 2) ako'y hamak lamang na nilalang na walang masyadong alam sa potograpiya, 3) nakaka-distract ang mga eksena, 4) ako'y hamak na blah blah blah.




Nang magawa ko na ang pakay ko sa bangko, nagtungo ako na mag-isa sa dagat. Bayan lang kasi namin ang walang dagat sa probinsya. Pero hindi naman ako ganoon kasabik noong una dahil hindi ako ignorante, 'no. Nagpunta ako para makapag-Bay's Inn (isang high-end na kainan sa tabing-dagat, next time na lang ito). Tagal ko ng hinihiritan sila Mama na lumabas at doon kumain, pero laging walang panahon. Kaya nag-solo ako.

Ayun, ang nangyari, nanood lang ako ng mga turistang nagse-surf kunwari at nagpapakyut sa kanilang mga kamera. Habang kumakain ako. Mag-isa. Masaya naman ako kasi kahit walang mga patrons nang mga oras na iyon, natawa ako: sa mga turista. Pucha, ang cellulites nung dalawang nagkakamerahan, nagsasasayaw habang naka-bare ang kanilang mga laman. Ang sarap magtawa. Ang masaklap, masmasarap ang tawa ng mga waiter. Buti na lang hindi dinig dahil mga 20 meters naman ang layo.

Ang sa akin lang naman, kung magmamaganda ka sa isang pampublikong lugar, ilugar mo din naman ang iyong cellulites itsura. Kasi marami akong kilalang chubby pero disenteng tignan kahit magbikini siguro sila sa harap ng madla; hindi sila makakatanggap ng ganoong pang-aalipusta  katulad ng ginawa ko ng mga waiter.





Matapos akong magmerienda at magkape, nagpiktyu-piktyur pa ako ng major-major (tama naman siguro ang gamit). At dahil medyo nakaka-ilang at nakaka-OP maglakad sa tabing-dagat na nag-iisa (dahil sila ay may ka-holding-hands-while-walking at naglalampungan), napilitan akong i-delete ang presensya ko doon. Piniktyuran ko din ang sarili kaso wala talagang pag-asang maging photogenic lalo pa't dumidilim na. Mas-ikinainis ko yata iyon.

Oh, well... Next time mag-iinum naman akong mag-isa para makakain na ulit ng special sisig nila. Kahit walang kasama, makikipagkuwentuhan din ako sa sarili ko para kumpleto sa ambiance. Tapos makikipag-apiran din ako sa sarili ko. Mukhang the next day ay sa asylum ako matatagpuan. Hmmn.

Thursday, September 23

Japot #1

Kuwento ng nanay ko, nung weekend, pagdating niya galing ng Seoul, tumuloy siya sa kapatid ko sa QC. At dumalaw din ang isa ko pang kapatid para salubungin siya. Dala ng kapatid kong dumalaw ang anak: si Japot, ang paboritong pamangkin ng pamilya namin, so far (nag-iisa pa kasi siya e. Di bale, darating din 'yung sa akin).

At buong Sabado silang nagliwaliw habang nakikiberdey kami ni Ama sa Lolo ko dito. Andaming kuwento ni Mama. Tungkol sa Korea, tungkol sa women's advocacies, tungkol sa bonding nila with Japot, at marami pang iba. Pero sa dami nu'n, ang tumimo lang sa isip ko ay ang tungkol sa eagles.

Namasyal daw sila sa isang parke sa QC na may mga iba't ibang klase ng hayop. Nang nasa birds section sila, at naghuhumiyaw ang agila doon, nagsimulang malukot ang mukha ni Japot. Mistulang magta-tantrums. Bago pa man mangyari 'yon, sinalo na ng kapatid ko.

Agila: (eaglesound)
Japot: NOOO! NOOO!
Manuel III: O, bakit? Ano ba kasi dapat ang sound ng bird?
Japot: Tweet-tweet. (At parang iiyak na.)

Imbes na itama o aluin ang pamangkin, nagtawanan na yata sila lahat. Kaya siguro hindi natuloy ang tantrums. Sa sobrang sociable nitong si Japot, hindi siya mag-aatubiling makitawa kahit hindi niya alam ang dahilan. At maaari na rin siyang makidnap dahil kahit kanino yata sumasama lang talaga siya. Haay... 'Buti hindi nagmana sa Auntie. Siguro sa kakyutan na lang.




Trial and error

Hmmn... Mukha na akong laging atat magpikyu-piktyur. At magyabang. Pero ano'ng magagawa ko kung gusto ko talaga i-post ito dito? Teka, blog ko pala 'to, so walang dapat ipagpaumanhin.


'sang umagang ako'y 'di dapuan ng antok at tulog 
At sa paglalakbay ay na-engganyong magbulabog 
Ng damdaming lasing sa pagmumuni-muni 
Kahit wala namang dapat ipag-senti 

Nang makarating sa dakong walang pagsidlan ng lungkot 
Inihanda ang sarili't 'sinantabi ang poot 
Nakisawsaw ang sariwang hangin, at ang liwanag
Sumilip sa pintuan ng langit ng alindog




Nagbabadya ang mapilit na pagsungaw ng hari
Upang magbigay ng siyà sa bawat may pighati
At magkalat ng pintura at kasiglahan
Sa bawat nalulumbay na nilalang



Ang hamog na naghahayag, "Minsan pa'y sariwa't bago ka"
Hindi mapigil ang kapangyarihang kumawala
Na wari'y sumulpot sa mga naroroong punla
Sila na nagpapaligo sa sangnilikha





Tuesday, September 21

Kung ikaw ay virgin...

Oops!!! Bawal sa mga virgin. Gayundin sa may makitid na utak.

Last Sunday kasi, nakita ko itong nakabagak sa bahay nina Tita Nitz. At parang okay pa naman ang ibang parts maliban sa ... SEAT. At biglang kumalat ang kaberdehan. Isipin nyo 'yung mga nasusuntok/nauuntog/nababatukan ng malakas at nakakakita ng stars. Parang ganu'n 'yung nangyari - hindi katulad nang Eureka moment na may light bulb. Haha, oo na, green. Pero napaisip lang talaga ako. Mga one-millisecond na pag-iisip at dali-dali ko rin namang pinalis sa utak ko dahil syempre... kakagaling lang kaya namin sa simbahan. Bawal mag-linger ang ganoong mga idea. Kaya rin siguro ngayon ko lang nai-post. [Boo! Defensive!]


Paano nga ba ito magagamit ng isang ...?


Okay, payn! 
[Pilipino translation daw: "O sige, magmulta ka!"]

Ang sagot sa tanong: bumili ng bagong salumpuwit. Okay? Okay.


Sunday, September 19

Sapagkat ako'y isang bulaklak...

Akala mo ako ang tinutukoy ko? Ngerk!


  Hindi ko alam ang tawag sa bulaklak na ito. Itinanong ko pero hindi rin alam ng nagmamay-ari. Tamad din akong mag-research Hindi ko alam kung paano ko malalaman. Gayumpaman, ito ang paborito ko sa mga kuha dahil kasingganda ko.


Isa pang hindi ko rin na-identify. Pero sabi ni Tita Nitz (kanya 'yang mga 'yan) sa akin (ang hamak na manin'yut/tagakuha), namumukadkad pa raw ang bawat isa sa mga pulang 'yan. Pero 'di pa yata ako nakakita.


Medyo nahirapan akong kunan ito dahil sa sobrang liit. Parang nakasampung klik pa muna bago naging ganito. Sorry na, hindi talaga eksperto e. Nagpapanggap lang.


Karaniwang inihahalintulad sa mga bulaklak ang mga kababaihan. At dahil puro Kababaihan (tawag sa mga member sa UMC na 40 and above y/o) siguro ang kasama ko nang mga panahong 'yan kaya bigla ko na lang naisipang magpipipiktyur ng mga bulaklak at iba pang halaman. 
Palagi ko ring nababasa kung saan na kapag nadungisan ng ibang tao ang dangal ng isang babae (tsk tsk tsk, may iniisip kang masama, 'no?), ang term ay: napitasan ng petal/s. 
At, higit sa lahat, ang nag-uumapaw na kagandahan ng mga babae, panlabas man o panloob, outside or inside, ha? HAHA ay parang mga bulaklak lamang ang makapaglalarawan at makapaglilinaw.

Lalaki ka ba? May angal ka? Hindi ko alam ang counterpart ng sa inyo e.