Sunday, September 19

Sapagkat ako'y isang bulaklak...

Akala mo ako ang tinutukoy ko? Ngerk!


  Hindi ko alam ang tawag sa bulaklak na ito. Itinanong ko pero hindi rin alam ng nagmamay-ari. Tamad din akong mag-research Hindi ko alam kung paano ko malalaman. Gayumpaman, ito ang paborito ko sa mga kuha dahil kasingganda ko.


Isa pang hindi ko rin na-identify. Pero sabi ni Tita Nitz (kanya 'yang mga 'yan) sa akin (ang hamak na manin'yut/tagakuha), namumukadkad pa raw ang bawat isa sa mga pulang 'yan. Pero 'di pa yata ako nakakita.


Medyo nahirapan akong kunan ito dahil sa sobrang liit. Parang nakasampung klik pa muna bago naging ganito. Sorry na, hindi talaga eksperto e. Nagpapanggap lang.


Karaniwang inihahalintulad sa mga bulaklak ang mga kababaihan. At dahil puro Kababaihan (tawag sa mga member sa UMC na 40 and above y/o) siguro ang kasama ko nang mga panahong 'yan kaya bigla ko na lang naisipang magpipipiktyur ng mga bulaklak at iba pang halaman. 
Palagi ko ring nababasa kung saan na kapag nadungisan ng ibang tao ang dangal ng isang babae (tsk tsk tsk, may iniisip kang masama, 'no?), ang term ay: napitasan ng petal/s. 
At, higit sa lahat, ang nag-uumapaw na kagandahan ng mga babae, panlabas man o panloob, outside or inside, ha? HAHA ay parang mga bulaklak lamang ang makapaglalarawan at makapaglilinaw.

Lalaki ka ba? May angal ka? Hindi ko alam ang counterpart ng sa inyo e.


0 pambabalahura/papuri (sipsip) sa post:

Post a Comment