Showing posts with label tanaga. Show all posts
Showing posts with label tanaga. Show all posts

Saturday, October 16

Tanaga #3: Hindi Mapamagatan







Nais kong magunita
Kahapong mayro'ng sumpa
Na 'di ka mawawala
Ngunit naglahong bigla.


Aawit na lang ako
Kasabay nitong radyo
Malungkot man ang tono
Matatapos din ito.




Saturday, September 18

Tanaga #2: Antipara


*Nung makita ko ang aking blog, parang medyo nalito ako: may post ba akong may salitang "tanga" ang pamagat? 'Tapos babalikan at iko-confirm. Ahh, "tanaga" pala. Pwamis, last na 'to sa gabing ito, urhm, umaga na pala. (Sinusulit ko lang at bihira ang ganitong kasipagan.)



Mata sa antipara
Bumabalon ng luha
Ayaw mang ipakita
Puso'y nadudurog na

'Di nais mahirapan
Ngunit dama rin naman
Wala na bang paraan
Kundi umiyak na lang?


Thursday, September 16

Tanaga #1: Lagnat-Labnat




Nag-iinit, umaapoy
Mga tuhod at siko'y
Nanginginig, wari mo'y
Halamang nanlalatoy

Giniginaw sa pawis
Nanginginig sa impis
Nitong kumot na tapis
Sa katawang may hapis

*author's note: Haha, trying hard lang, pero ang tanagang ito ay galing sa aking koleksyon na ipinagawa sa amin ng prop ko sa Fil25. At dahil nahalungkat ko minsan sa mga basurahan kong itinatago, ayan, magdusa ang magbabasa.