Thursday, September 23

Trial and error

Hmmn... Mukha na akong laging atat magpikyu-piktyur. At magyabang. Pero ano'ng magagawa ko kung gusto ko talaga i-post ito dito? Teka, blog ko pala 'to, so walang dapat ipagpaumanhin.


'sang umagang ako'y 'di dapuan ng antok at tulog 
At sa paglalakbay ay na-engganyong magbulabog 
Ng damdaming lasing sa pagmumuni-muni 
Kahit wala namang dapat ipag-senti 

Nang makarating sa dakong walang pagsidlan ng lungkot 
Inihanda ang sarili't 'sinantabi ang poot 
Nakisawsaw ang sariwang hangin, at ang liwanag
Sumilip sa pintuan ng langit ng alindog




Nagbabadya ang mapilit na pagsungaw ng hari
Upang magbigay ng siyà sa bawat may pighati
At magkalat ng pintura at kasiglahan
Sa bawat nalulumbay na nilalang



Ang hamog na naghahayag, "Minsan pa'y sariwa't bago ka"
Hindi mapigil ang kapangyarihang kumawala
Na wari'y sumulpot sa mga naroroong punla
Sila na nagpapaligo sa sangnilikha





0 pambabalahura/papuri (sipsip) sa post:

Post a Comment