Sinosikate?

Si kate ay isang common noun na nalalataytay sa dugo ng isang anak, kapatid, pamangkin, apo, tiya o tiyo, ninang o ninong, kaaway, kaibigan o barkada, kaklase, kamanggagawa, kasakay sa jeepney, tryke o bus, ka-share ng table sa food court, kapila sa pagbabayad ng matrikula, kasamahan sa simbahan, katukayo, ka-ibigan, ka-linawan, ka-labuan, kakulitan, ka-iringan, kasamahan sa rally, kasangkot sa samu't saring isyu, kakuwentuhan tungkol sa mga kung anu-anong bagay [may kuwenta o wala]. Si kate ay ang lahat ng iyan at marami pang iba. 


Mga pinaniniwalaan ni kate na kasabihan:
"The reason I talk to myself is because I’m the only one whose answers I accept."  George Carlin
"I think the reward for conformity is that everyone likes you except yourself. Rita Mae Brown
Sa masmagaang punto, ito ang laging tandaan ninyo: 
"Do not do unto others what you can do today!"
at
"Matalino man ang matsing, matsing pa rin."
 Kaya iwasang magpaka-matsing. Okay? Okay.




2 comments:

  1. Sinosikate, kamusta?

    Kamusta naman ang kongregasyon? Kamusta ang Santo Papa?

    Bahala ka diyan.

    Salamat sa pagdaan sa bahay ko.

    ReplyDelete
  2. Ngek, hindi po kami close ni Santo Papa, ako'y isang protestante. Haha

    Salamat din po sa pagdalaw dito. Astig kaya ng blog mo.

    ReplyDelete