Thursday, September 23

Japot #1

Kuwento ng nanay ko, nung weekend, pagdating niya galing ng Seoul, tumuloy siya sa kapatid ko sa QC. At dumalaw din ang isa ko pang kapatid para salubungin siya. Dala ng kapatid kong dumalaw ang anak: si Japot, ang paboritong pamangkin ng pamilya namin, so far (nag-iisa pa kasi siya e. Di bale, darating din 'yung sa akin).

At buong Sabado silang nagliwaliw habang nakikiberdey kami ni Ama sa Lolo ko dito. Andaming kuwento ni Mama. Tungkol sa Korea, tungkol sa women's advocacies, tungkol sa bonding nila with Japot, at marami pang iba. Pero sa dami nu'n, ang tumimo lang sa isip ko ay ang tungkol sa eagles.

Namasyal daw sila sa isang parke sa QC na may mga iba't ibang klase ng hayop. Nang nasa birds section sila, at naghuhumiyaw ang agila doon, nagsimulang malukot ang mukha ni Japot. Mistulang magta-tantrums. Bago pa man mangyari 'yon, sinalo na ng kapatid ko.

Agila: (eaglesound)
Japot: NOOO! NOOO!
Manuel III: O, bakit? Ano ba kasi dapat ang sound ng bird?
Japot: Tweet-tweet. (At parang iiyak na.)

Imbes na itama o aluin ang pamangkin, nagtawanan na yata sila lahat. Kaya siguro hindi natuloy ang tantrums. Sa sobrang sociable nitong si Japot, hindi siya mag-aatubiling makitawa kahit hindi niya alam ang dahilan. At maaari na rin siyang makidnap dahil kahit kanino yata sumasama lang talaga siya. Haay... 'Buti hindi nagmana sa Auntie. Siguro sa kakyutan na lang.




0 pambabalahura/papuri (sipsip) sa post:

Post a Comment