Thursday, September 16

Tanaga #1: Lagnat-Labnat




Nag-iinit, umaapoy
Mga tuhod at siko'y
Nanginginig, wari mo'y
Halamang nanlalatoy

Giniginaw sa pawis
Nanginginig sa impis
Nitong kumot na tapis
Sa katawang may hapis

*author's note: Haha, trying hard lang, pero ang tanagang ito ay galing sa aking koleksyon na ipinagawa sa amin ng prop ko sa Fil25. At dahil nahalungkat ko minsan sa mga basurahan kong itinatago, ayan, magdusa ang magbabasa.


2 comments:

  1. parang hindi langnat, parang init sa pag ibig 'to. hahah.

    first time ko dito. hello.

    ReplyDelete
  2. halu-halu!

    salamat. Unambisita kita! At dahil d'yan...

    Salamat.

    Tambay din ako sa blog mo.

    ReplyDelete