Friday, September 17

Si Jewowm

Siya si Jewowm, kahit itanong mo pa sa kanya ang pangalang niya.

Ako: "What's your name?" *kelangan lang minsan ingglesin para kul.
Jewowm: "Jewowm." *at hindi marunong mag-po.

Kanina. Break ng mga klase sa iskul ng nanay at tatay ko. At oo, ang iskul ay nasa bahay namin kaya andun ako (at wala na rin pala kaming bahay dahil sa skul na 'to). PE day kaya maingay sa kusina-turned-canteen area buong umaga. Narinig ko ang usapan habang lumalaklak ng kape.

Pa: O, kayo, huwag n'yong binu-bully si Jerome ha, pulis ang tatay nito. Lagot kayo du'n.
Ako: (sa isip at ekspresiyon na rin ng mukha) Sowhut?! *at nagunita ang August 23 incident.
Jewowm: Pewo siya ang bayil ng Papa ko. *toingks!
Pa: Ikaw, 'wag mong paglalaruan ha, delikado pa rin 'yun. Tsaka bad 'yun sa bata. *chos!
Teacher Tina: (sa tatay ko) Talaga po? (kay Jewowm) Jerome ano ang tatay mo, pulis?
Jewowm: Hindi a.
Teacher Tina: E ano?
Jewowm: Tao siya.

Ako: BUWAHAHAHA, *muntik pang mabugahan ng kape ang kaharap na bata.

Naisip ko lang, buti pa ang bata alam ang pagkakaiba ng tao sa pulis. Malamang hindi mo 'yon alam. Ako man, nu'n ko lang naliwanagan ang mga bagay-bagay. Una natawa ako dahil natawa sila kahit korni ang dating, pero nagpatuloy iyon nang ma-realize ng mabagal kong processor ang pun sa usapan. Nadali mo, Jewowm!

Teka, may pulis bang nagbabasa ng mga blog? O kahit anong sulatin kaya?
I so doubt that, reply ng konyong parte ng utak ko na nagi-inarte.

Honga naman, dahil kung ganu'n, baka dami ng nabaril nung mga 'yun.


2 comments:

  1. kids say the darndest things. haha!

    salamat sa pang-i-istalk. na[s]ex-link na kita. :D

    ReplyDelete