Friday, September 17

Daybersiyon Road

Hmf!!

Kagabi, sabi ko sa nanay ko habang naglilinis siya ng kuwarto at ako nama'y napadaan sa harap ng whole-body mirror doon, "Ma, ang ganda ko talaga sa gabi."

"Ay, naku, anak. Maganda ka naman e. Ikaw lang ang hindi naniniwala sa sarili mo. Napakababa talaga ng self-confidence/esteem/bilib mo sa sarili." Toingks!

Okay, hindi ko na pinatulan. Utuan na naman e, you know, parents always do that. Hahaha
At hahaba pa ang sermon ni Ina tungkol sa aking declarations/manifestations of no self-confidence (etchos! gumagaya kay Ama na nagpapa-edit ng cases kunwari). Pero totoo naman kaya ayaw ko nang marinig. Ang pangalan ko pala sa contacts sa cell phone ng Ina ko ay Kate-hina-loob. Astig lang, sankapa!?

Pero seryoso, maaari siguro akong ibugaw kasi sa gabi lang talaga ako nagfi-feeling maganda dahil dun ko lang din nakikita 'yun. Hehe, dahil siguro sa malabo ang aking mga mata at wala akong salamin sa mga panahong ito dahil sinira ng pamangkin kong mabait at kyut, at saka hindi strobe light ang gamit namin sa bahay. Ayun. Sige na nga, nagfi-feeling lang talaga ako.

Eto pa, napansin ko, ang galing ko lang din talagang umiwas sa mga usaping ayaw kong pag-usapan. Diversion tactics ko, pamatay pero sobrang subtle; pati ako hindi ko napapansin kundi ko pa pinag-isipan... ngayon. Hahaha.

"Ma, 'yan na naman ang pinapanood mo?" tanong ko na lang, tas puro comments with exaggerated amusement sa expression. Ayun, dali agad. Kung hindi ko kasi gagawin 'yun, malamang nakatay na naman ako.

"Nakakatuwa kasi e. Baka 'pag ikinasal ka, ganyan din."

HAHAHAHA

Teka, asan na ang pamatay kong diversions? At linsyak lang talaga, ang pinapanood ay: My Big Fat Greek Wedding. Oh, kemon! Alin dun ang magiging katulad ko: ang pag-aasawa sa 40th birthday ko o ang pangenge-alam ng buong pamilya ko dala ng excitement sa akala-nila'y-hindi-na-mangyayaring kasal. Hahaha

Nung isang gabi pa pala,
si Ina: "Anak, subukan mo nga rin magboypren."
Ako: "Ayoko nga."
Ina: "Bakit?"
Ako: "Mga jologs mga kakilala ko e. Tsaka bata pa ako. Tsaka hinihintay ko pa po si Lee Dong Uk."

Pero syempre, hindi yun ang sagot ko. Naisip ko lang. Eto ang aktuwal: "Nakakatakot kaya."

FAIL! Ano ba namang sagot 'yun. Hindi ko rin naipaliwanag nung tanungin ulit ako ng bakit.

Walk-out na lang nga, at mag-stalk sa mga ini-stalk na blog, mag-harvest ng BarnBuddy eggplants, maglasing sa kape, magbasa ng basura, at magsulat pa ulit ng basurang mababasa sa hinaharap na katigangan ng buhay. At lumamon ng butter. Erlack!


0 pambabalahura/papuri (sipsip) sa post:

Post a Comment